Ipinakilala ni Michael V kung sino si “Pepito Manaloto," ang masuwerteng karakter na mapapanood sa bagong sitcom sa Kapuso Network simula sa March 13.
“Si Pepito Manaloto ay isang masuwerte kasi as his name suggest, nanalo siya sa lotto," panimula ni Michael V o Bitoy sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel saChika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
"Na-curious kasi ako kung anong nangyayari kapag nanalo ka sa lotto, anong gagawin mo pagkatapos. Kasi maraming ganun di ba nanalo sa lotto tapos nauwi sa wala mahirap uli," kuwento niya.

Proud si Michael V sa bago niyang proyekto kung saan makakasama niya sina Manilyn Reynes at Carmina Villaroel. Ito ay pamamahala ng batikang direktor na si Bert De Leon.
Ayon pa kay Bitoy, ibang-iba ang Pepito Manaloto - na kauna-unahan niyang sitcom - kumpara sa kanyang lingguhang gag show na Bubble Gang.
At para maging realistic ang kanyang pagganap, kinailangan baguhin ang itsura ni Bitoy. Kabilang na dito ang pagpapaitim sa kanya, ang paglalagay ng wig at pustiso.
Para malayo sa tradisyunal na sitcom, ang Pepito Manaloto ay nilagyan ng elemento ng reality, documentary at pati na drama.
Kaya subaybayan ang pakikipagsapalaran ni Pepito Manaloto simula sa March 13. –Fidel Jimenez, GMANews.TV

Source: gmanews.tv
tags: Comedy Show, Michael V