Headline!

Mar 16, 2010

Chynna Ortaleza feels sad that she is not part of Party Pilipinas

Share



Naging bahagi na ng buhay-showbiz ng Kapuso star na si Chynna Ortaleza ang Sunday musical-variety show na SOP. Pero ngayong tapos na angSOP, sinabi ni Chynna sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi na siya kasama sa papalit na show rito, ang Party Pilipinas.

"No, hindi ako part ng Party Pilipinas," sabi niya. "Hindi ko rin naman alam ang exact reason. Siguro sa sobrang ngarag nila, hindi na nila nakausap ang ibang artistang hindi na-retain [sa show]."

Hindi itinanggi ni Chynna na kahit paano ay umasa siya na baka maging part pa rin siya ng Party Pilipinas. Sa farewell episode kasi ng SOP last February 28 ay kasama pa siya sa meeting after the show.

"Na-adbaysan na lang din kasi ako na hindi na kami part ng show noong nagtanong ako sa handler ko. Noong nag-end na ang SOP, siyempre, pinalipas ko muna ang ilang days para malaman kung makakasama pa rin kami. And yun nga, I found out na hindi na kasama ang name ko and yung group namin."

Ang grupo na tinutukoy ni Chynna ay ang SH3, kung saan kasama niya sina Ryza Cenon at LJ Reyes.

Sumama ba ang loob niya sa nangyari?

"Well, siyempre kahit paano, I felt sad because I'm not included in the new variety show," pag-amin ni Chynna. "Being part of a variety show is so important to me. I'm the type of person na natutuwang mag-perform nang live. Pero ano lang, iniisip ko lang din na it's a new show, it's not SOP anymore, at kailangan siguro nila ng additional people sa Party Pilipinas."

Dagdag niya, "It took a day bago mag-sink in sa akin ang nangyari. Pero naisip ko lang to look at the positive side of everything. Siyempre, kinausap ko rin sina Ryza at LJ. Siguro, it's a good time to take advantage na makapag-training pa kami sa dancing, voice lesson para mas ma-enhance pa ang craft namin. Naantala rin kasi yung pag-record namin ng original songs. Ngayon, mas nahaharap na namin na makapag-record ng bagong materials."

Mar 13, 2010

PEP EXCLUSIVE: Luningning, Mariposa and Milagring break silence about resignation from Wowowee

Share



Naging laman ng tabloids ang biglaang pagre-resign ng ASF Dancers na sina Luningning, Mariposa, at Milagring noong February 26 sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.
Puro haka-haka ang mga lumabas na reports tungkol sa dahilan ng kanilang pag-alis sa show ni Willie Revillame. Nandiyang kesyo marami raw ang nakakapansin na nung mga nakaraang buwan ay nawala na ang magandang exposure ng tatlo sa Wowowee. Ramdam din daw ng tatlo na napabayaan na sila at hindi na nila kaya ang sitwasyon.
Pero magmula noon ay walang direktang pahayag mula sa tatlong female dancers. Kaya minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin ang sina Luningning, Mariposa, at Milagring upang linawin ang isyung ito.
Naganap ang aming panayam sa kanila kagabi, March 9, sa R. Bistro sa Timog Ave., Quezon City. Magkasosyo sina Mariposa at Luningning sa naturang bar and resto.
CAREER MOVE. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila nag-resign sa Wowowee?
Si Milagring (Annaliza Baldonado sa tunay na buhay) ang unang sumagot. Aniya, "Siyempre po, career move para mag-grow. Siyempre kailangan din po naming kumita ng mas malaki."
Ayon naman kay Luningning (Lea Carla Santos), "Kailangang mag-explore din kami ng iba. 'Yan, nagkakaedad na kami. Ilang taon na kami...kailangan din naming makaipon para sa pangangailangan sa pamilya."
Dagdag ni Mariposa (Rovielyn Cabigquez), "Ganoon din, gusto rin naming mag-move on at mag-grow. Hindi naman habambuhay nandun kami at sumasayaw, di ba?"
Hindi ba sapat ang kinikita nila sa Wowowee kaya kailangan nilang kumita ng mas malaki?
"Hindi po...sapat lang..." matipid na sagot ni Milagring
"Sapat lang sa pangangailangan namin sa araw-araw," sundot ni Mariposa
Pero ayon kay Milagring, "Siyempre, mas kailangan naming magtrabaho nang magtrabaho para dagdag-income, di ba?"
Sabi naman ni Luningning, "Basta sa four years na yun, sobra naman ang naitulong sa amin ng Wowowee, so give chance to others naman."
TALENT FEE ISSUE. Ano ang reaksyon nila sa isyung "kinakatkong" o binabawasan diumano ng manager nilang si Anna Feliciano ang talent fee nila?
"No comment po," sabay-sabay na sabi ng tatlong dancers.
Pero kinalaunan ay nagbigay na rin ng mas mahabang pahayag ang tatlo, pero halata pa ring ingat sila sa pagbibitaw ng salita.
Ayon kay Luningning, "Actually, hindi namin alam na 'katkong' ang tawag sa ganyan. Hindi naman talaga namin alam kung ano ang nangyayari o sistema niya [Anna] regarding sa budget."
"Basta kailangan lang naming kumita ng pera. Yun lang po," sabi naman ni Luningning. "Basta nagpalaam lang po kami. Hindi namin ini-expect na lalala ang isyu. Basta umalis lang kami kagaya ng ibang dancers dahil wala naman kaming kontrata. Nalungkot din kami na may taong nabulabog sa pag-alis namin. Hindi po namin ini-expect na uungkatin yung kay Tita [Anna]. Wala kaming kinalaman dun, e. Kumbaga, labas na po kami dun. Kung ano po ang nangyayari sa kanila ngayon, hindi na po namin alam dahil wala na po kami sa loob."
May balita kasing ipinatawag ng management si Anna kaugnay ng pagre-resign ng ilang dancers ng Wowowee, kabilang na nga sina Luningning, Mariposa, at Milagring.
Dapat bang sisihin ang manager nila sa pag-alis nila sa show ni Willie?
"Sa part na 'yan, wala po kaming sinisisi," sagot ni Mariposa. "Pareho po silang nakatulong sa amin. Mentor din namin si Tita Anna. Naging second mother po namin siya. Wala po kaming sinisisi. Wala kaming sinabing against kay Tita Anna kahit saang diyaryo. Wala kaming comment na bad sa kanya, wala kaming comment na bad sa Wowowee."
Dagdag niya, "Ang intensiyon namin kaya kami umalis ay gusto talaga naming mag-move on. Gusto naming kumita ng mas angat pa. Kumbaga, puwede namang kumita pa kami dahil may pamilya naman kaming sinusuportahan. Hindi naman habang panahon, nandiyan lang kami. May mga bagong dumarating. Sabi nga nila, tumatanda ka na, kailangan mong mag-grow. Pana-panahon lang 'yan. Tama yung sinabi ni Luningning na give chance to others. Naggi-give way lang naman kami. Hindi naman kami selfish."
Nang subukan ng PEP na kunan ng kanyang panig ni Anna tungkol sa isyu ay isang taong konektado sa Wowowee ang nagsabi sa amin na wala na sa show ang talent manager at choreographer.
INSECURITY. Isa sa mga isyung ibinabato kina Luningning, Mariposa, at Milagring ay kaya raw sila umalis sa Wowowee ay dahil nai-insecure daw sila sa Kembot Girls at Amazona. Mas nabibigyan daw kasi ng exposure ang mga ito kesa sa kanila. Totoo nga ba ito?

Mar 12, 2010

Dolphy in TV5’s “Mga Kuwento ni Mang Pidol”

Share


Here’s the latest about Dolphy’s new show on TV5: It’s titled “Mga Kuwento ni Mang Pidol.” The program is a fusion of the old “Lola Basyang” stories with a dash of comedy and humor. Call it the new “Wansapanatym,” but with Dolphy as narrator — maybe even acting in some episodes — after all, it is still a sitcom (Dolphy’s sitcom) but with a twist
Nakapag-pictorial na si Mang Pidol for his new show at excited na itong masimulan ang programa under the revitalized primetime programming of TV5.
On a side note: Malaki raw ang offer ng TV5 kay Dolphy kaya napa-OO ito to transfer sa Ka-Shake network na pagmamay-ari ni Manny Pangilinan. Ex-Kapamilya si Pidol kung saan matagal siyang namalagi. In fact, sa mga station IDs ng Dos, si Mang Pidol lagi ang panghuli, giving him the importance he deserves. In our opinion, lucky charm si Dolphy sa Dos; sana’y maging lucky charm din siya sa Singko.
Doble o triple raw ang offer ng TV5 sa mga artistang pina-pirate nila sa Kapamilya o Kapuso network? Ang maikling sagot ni Dolphy: “Basta nagpapasalamat lang ako at inoperan ako ng TV5 ng bagong show. It’s nice to work again. Aba, tatlong taon din akong walang ginagawa.”



Mar 11, 2010

Panday Kids ready to level Up their XP!

Share




Armed with their sheer determination and unshakable spirit, the three Panday Kids undergo extensive training as they gear up for their high flying adventures in Carlo J. Caparas' telefantasya on GMA-7's Telebabad this week.

Aureus (JC de Vera) trains the three kids in combat. Oliver (Buboy Villar) and Hadji (Julian Trono) face off in various challenges and both display good fighting skills and speed.

Hadji terribly misses Wendy (Nikki Samonte) and swears he will look for her once he's ready to be a Panday Kid. Aside from keeping her secret identity hidden from Oliver and Hadji, Charlie (Sabrina Man) is afraid that they will laugh at her horns. Rossana (Gelli de Belen) feels guilty of being a bad mother to Oliver. 

Meanwhile, Lizardo (Marvin Agustin) learns from Wadi (Arci Muñoz) that the Panday sword will send three heroes who will defeat and end his power. He sends his black bird Kakak to the mortal world to find Maria Makiling.

Ola (Jolina Magdangal) tells Maria Makiling her visions of Lizardo. Kakak transforms into a man and named himself Oswaldo (Akihiro Sato).

How will the three kids fare in their succeeding challenges? Will Rossana's heart finally soften and accept Oliver as her son? How will Oswaldo's character affect Ola's life? Will Charlie's horns disappear? How will Hadji rescue his bestfriend Wendy?

Panday Kids has made primetime viewing on GMA-7 more educational, interesting and informative with its family-friendly theme that promotes traditional values. More revelations, conflicts and plot twists will be revealed as the powers and weapons of Oliver, Hadji and Charlie level up.

Panday Kids airs weeknights after 24 Oras on GMA Telebabad.

Source: pep.ph

Mar 8, 2010

Paolo Bediones says talents from other stations have sent feelers to join TV5

Share



Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Paolo Bediones matapos ang ginanap naTalentadong Pinoy Battle of the Champions kagabi, March 6, sa Cuneta Astrodome.

Bilang isa sa mga bagong executives ng revitalized TV5, dumalo si Paolo sa grand finals ng nasabing toprating show ng network, kung saan nanalo bilang First Ultimate Talentado si Joshua Davis aka Yoyo Tricker.

CHALLENGES FOR PRESIDENTIABLES. Kumusta naman si Paolo matapos ang paglipat niya mula sa GMA-7?

"The transition was pretty smooth. I've been away from television... regular TV na may program talaga ako for about four months and excited ako kasi next week nga, magsisimula na yung bagong program ko. The title is USI (Under Special Investigation).

"So, ako yung parang usisero. Ang first topic namin will be the presidentiables. So, two presidentiables a week. This will be different kasi may mga challenges na ia-undergo yung mga presidentiables.

"Kasi most of the interviews that you see, mga debates or yung mga questions sobrang serious. Not to say na hindi seryoso yung interviews namin, pero dito you'll see pati yung mga pagkatao nila, kung paano makihalubilo sa mga tao, kung ano ang reaksyon nila pag may mga challenges na gagawin. It's still along the reality line pero marami tayong mapupulot sa kanila. A lot of details kung paano tayo makakapili ng pangulo," kuwento ni Paolo.

ON-CAM WORK. Na-miss niya ba ang paglabas sa TV?

"Ako sobrang na-miss ko ang TV. I've been guesting-guesting. Nagpipigil ako but siyempre, once you're there mahirap mawala, e. Kaya nga when I started doingUSI, nag-enjoy ako, e."

Sino na ang mga presidentiable na-interview niya for the show?

"So far na-interview ko na sina Jamby Madrigal, Eddie Villanueva, Dick Gordon, JC delos Reyes. I'll be doing Gibo [Teodoro] next, and then si Nicky Perlas. Sina Manny Villar and Noynoy [Aquino] naka-line up na rin."

Since meron siyang ganitong show, ibig sabihin ba ay hindi siya puwedeng mag-endorse ng kandidato for the May 2010 elections?

"Definitely not, no, no, no. Ang news and public affairs is very strict about endorsing candidates. But ang main focus talaga namin is to be objective as much as possible para ibigay natin sa mga tao na heto yung mga presidentiables natin. Ito yung mga nakalap naming information. On endorsing a presidential candidate, I've never done it and I can't do it now. Definitely not now."

Nilinaw naman ni Paolo na hindi political show ang USI. Nagkataon lang daw na election period ngayon kaya magandang unang itampok sa show ang mga presidentiables. After the election daw ay magtatampok na sila ng iba't ibang celebrities.

TWO MORE SHOWS FOR PAOLO. Bukod sa USI na mapapanood na simula sa March 14, may dalawang upcoming shows pa raw si Paolo sa TV5.

"The second show is an entertainment show which will start in April. And the third one will start when I think about it. Kasi kino-conceptualize pa namin, e. But it's under entertainment. Pero puwede pa rin akong mag-game show, puwede pa rin akong mag-talk show.  Gusto ko to have a show with Mo Twister and kasama rin si Ryan [Agoncillo], ang saya nun.

"Definitely yung sa showbiz, puwedeng celebrity talk show. Pero in terms yung sa mga tsismis, we'll leave that kina Ruffa [Gutierrez, na bagong lipat sa TV5], Cristy Fermin, and Mo Twister [magsasama ang tatlo sa isang showbiz talk show sa TV5]. And then of course, sina Alex [Gonzaga] and IC [Mendoza] of Juicy. They're good at what they do. So, excited ako para sa kanila. Sobra."

ON BEING A NETWORK HONCHO. As a TV5 executive, ano talaga yung position niya sa network?

"Well, I'll be announcing that sa coming presscon. They are not allowing me to announce it now for whatever reasons. But the idea is there naman. It deals with the creative side of production, at the same time with the training and development of talents and the new shows, not just in the news and public affairs department but also in the entertainment. So, ganun yung scope of responsibility.

"And then every now and then like for example, may pitch tayo for a movie kasi plano rin ng TV5 na gumawa ng pelikula, yung Studio 5. We're trying to put that up and that's something I can also put my hand on. Kasi may mga alam... may hilig din tayo sa mga pelikula, e.

"But right now, I can say very blessed ako. Kasi sina Sir Bob [Bobby Barrero, TV5 president], Rey [Espinosa, CEO], MVP [Manny V. Pangilinan, chairman], they are very aggressive, e. Yung priority talaga nila is yung growth ng network into a third force sa industriya natin."

Source: pep.ph

Feb 24, 2010

Party Pilipinas replaces SOP Fully Charged starting March 21

Share

<em>Party Pilipinas</em> replaces <em>SOP Fully Charged</em> starting March 21
SOP, the long-running Sunday party show of GMA-7 undergoes a major revamp and gets a "reinforced" staff, plus a new title, starting the third Sunday of March.

Party Pilipinas is now going to be an "all-party and all-positive vibes" show, according to the Corporate Communications Department of GMA-7 and the show'[s new production manager, Ruth Mariñas. 

Mariñas takes over the post of Ramel David, who in turn replaced Hazel Abonita.

Director Louie Ignacio will now have a co-director and creative manager, Paul Basinillo, a seasoned music video director who helmed some projects for Sarah Geronimo and other young singers.

Four musical directors will alternate every week, two of which will be Raul Mitra and Danny Tan. 

Geleen Eugenio will hand over the choreography to her son Miggy, but she will become the chief adviser of the new choreographers coming from different school organizations, which will be given the chance to show off their dancing skills. 

The four main hosts Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, and Jaya are retained, along with the R&B pair of Jay-R and Kyla, plus, La Diva. 

New co-hosts and semi-regulars will join them in launching all-new segments, such as a revolving special number every week from one group of Telebabad stars and a high-powered number from different schools' dancing groups.


Related Posts with Thumbnails