Wanted na si Ramona Bautista ng Interpol (International Criminal Police Organization) dahil sa pagkakasangkot niya sa murder case ni Ramgen Revilla, ang kanyang panganay na kapatid na pinaslang sa tahanan nila sa BF Homes ParaƱaque City noong October 28, 2011.
Naka-post na ang litrato at mga impormasyon tungkol kay Ramona Bautista sa website ng "wanted persons" ng Interpol.
"Fugitives, Life and health" ang nakalagay na kategorya ng offences ni Ramona kaya wanted ito sa Pilipinas at pinaghahanap ng international police.
Naka-post din sa wanted persons ng Interpol ang dalawang litrato ni Ramona at ang ibang mga impormasyon; 'tulad ng kanyang tunay na pangalan (Ma. Ramona Belen Bautista), birthday, place of birth, kulay ng mata at buhok, at language spoken.
Ang aksiyon ng Interpol na ilagay sa kanilang wanted persons list si Ramona ang resulta ng request ng National Bureau of Investigation (NBI) na tulungan sila na mahanap ang kinaroroonan ng isa sa mga primary suspects sa Ragmen murder case.
Itinanggi ni Ramona na may kinalaman siya sa pagpaslang sa sariling kapatid, pero pinagdudahan ang kanyang mga pahayag dahil binawi niya ang unang statement sa ParaƱaque City Police.
Lalong nadiin si Ramona sa kasalanan na ibinibintang sa kanya nang lumipad siya sa Turkey noong November 4, 2011 habang nasa kainitan ang imbestigasyon sa kaso.
Read more at
pep.ph
SOURCE
Materials shown above belongs to their respective copyright holders. ~_~
tags: Bong Revilla, pep.ph, philippines, RamJen Revilla, Ramona Bautista