Malaking bagay at iba raw ang pakiramdam kapag nakaganap ka sa isang stage play.
Ito ang nararamdaman ni Aljur Abrenica nang gumanap siyang Jesus Christ sa play na Santa Cruz sa UP Film Center noong Sabado, February 26.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur noong Martes ng gabi, February 28, sa isang restaurant sa may Scout Rallos, Quezon City.
Banaag sa mukha ng young actor ang kasiyahan lalo pa nga't marami ang nanood ng kanilang dula.
Ayon kay Aljur, biglaan lang ang pagkakasama niya sa naturang dula at siya pa ang gumanap sa papel na Jesus Christ.
Saad niya, "Matagal ko na rin kasing kaibigan yung mga nasa likod ng play.
"Katunayan, sila ang naka-discover sa akin hanggang sa nahiwalay ako sa kanila.
"Nakakausap ko sila. Sinasabi nila na wala silang maisip na babagay sa play kung hindi ako... siguro mga three months ago.
"Kaya sabi ko sa kanila, 'Sige gagawin ko 'yan.' At the same time, parang sukli na rin sa ginawa nila sa akin.
"Kung hindi rin naman dahil sa kanila, wala ako.
"Malaki rin ang naging puhunan nila sa akin. Tinuruan nila akong sumayaw at kumanta."
Dagdag pa ni Aljur, "Naging part din ng play ang dancers ng UP. Naging part din ang mga potential talents ng Tarlac City.
"'Tapos may grupo rin doon na sobrang galing sumayaw, nandoon din. Maganda yung script, story."
DREAM ROLE? Isa ba sa mga dream roles niya ang gumanap bilang Jesus Christ?
"Actually hindi," sagot ng Kapuso hunk.
"Pero noong sinabi sa akin na ang role ko as Jesus Christ, talagang oo ako agad.
"Ginusto ko kaagad siya. So, parang dream role ko rin siya nang malaman ko yun.
"Sobrang interesting at sino ba naman ang aayaw?
"Kumbaga, mabigyan ka ng oportunidad na gampanan mo ang buhay ni Jesus Christ."
May naging pagbabago bas a kanya matapos niyang gampanan ang papel na Jesus Christ?
"Grabe... kasi pinanood ko ang Passion of the Christ [2004].
"Before pinanood ko na siya, pero parang mas naintindihan ko siya ngayon.
"Playing the role of Jesus Christ, mas marami akong naintindihan.
"Para sa atin, yung milagrong ginawa niya. At kung paano niya hinawakan ang mga tao.
"Hindi niya pinilit, hindi niya pinakita kung gaano siya makapangyarihan."
RICH ASUNCION. Nakasama niya sa nasabing play ang ex-girlfriend niyang si Rich Asuncion.
Kahit matagal silang na-link sa isa't isa at nasa iisang network nakakontrata, ang naturang stage play raw ang unang proyektong pinagsamahan nila.
Ayon kay Aljur, "Hindi ko pa siya nakakatrabaho.
"Sa StarStruck lang halos. Pero masaya siyang katrabaho. Na-enjoy ko ang company niya.
"Kumbaga, mas madali na lang ang trabaho lalo pa nga't iisa lang kami ng handler."
Masasabi ba niyang mas okay ang samahan nila ni Rich ngayon?
"Oo naman, mas okay kami ngayon. At saka, ang galing niya.
"Sa totoo lang, nag-drop siya ng subject para do'n [sa play].
"Nagbago rin kasi ang taping ng Biritera, pero tinuloy pa rin niya.
"At yung effort na ginawa niya for the play, nakakatuwa naman."
Wala namang nanumbalik na anuman sa kanila?
"Wala. She's happy and okay kami.
"Nagkakausap kami nang maayos. Nagkakabiruan. Marami siyang naikuwento.
"Masaya 'ko para sa kanya."
YOUTH AMBASSADOR? Hindi lang ang pagkakaganap niya bilang Jesus Christ sa isang play ang masasabi ni Aljur na napakapositibo na ginawa niya.
Kung matutuloy, posibleng siya ang makuhang youth ambassador ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
Read more at pep.ph
SOURCE
Materials shown above belongs to their respective copyright holders.
tags: Aljur Abrenica, CBCP, gma, My kontrabida girl, pep.ph, philippine movies, Rich Asuncion