Headline!

Mar 8, 2010

Paolo Bediones says talents from other stations have sent feelers to join TV5

Share



Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Paolo Bediones matapos ang ginanap naTalentadong Pinoy Battle of the Champions kagabi, March 6, sa Cuneta Astrodome.

Bilang isa sa mga bagong executives ng revitalized TV5, dumalo si Paolo sa grand finals ng nasabing toprating show ng network, kung saan nanalo bilang First Ultimate Talentado si Joshua Davis aka Yoyo Tricker.

CHALLENGES FOR PRESIDENTIABLES. Kumusta naman si Paolo matapos ang paglipat niya mula sa GMA-7?

"The transition was pretty smooth. I've been away from television... regular TV na may program talaga ako for about four months and excited ako kasi next week nga, magsisimula na yung bagong program ko. The title is USI (Under Special Investigation).

"So, ako yung parang usisero. Ang first topic namin will be the presidentiables. So, two presidentiables a week. This will be different kasi may mga challenges na ia-undergo yung mga presidentiables.

"Kasi most of the interviews that you see, mga debates or yung mga questions sobrang serious. Not to say na hindi seryoso yung interviews namin, pero dito you'll see pati yung mga pagkatao nila, kung paano makihalubilo sa mga tao, kung ano ang reaksyon nila pag may mga challenges na gagawin. It's still along the reality line pero marami tayong mapupulot sa kanila. A lot of details kung paano tayo makakapili ng pangulo," kuwento ni Paolo.

ON-CAM WORK. Na-miss niya ba ang paglabas sa TV?

"Ako sobrang na-miss ko ang TV. I've been guesting-guesting. Nagpipigil ako but siyempre, once you're there mahirap mawala, e. Kaya nga when I started doingUSI, nag-enjoy ako, e."

Sino na ang mga presidentiable na-interview niya for the show?

"So far na-interview ko na sina Jamby Madrigal, Eddie Villanueva, Dick Gordon, JC delos Reyes. I'll be doing Gibo [Teodoro] next, and then si Nicky Perlas. Sina Manny Villar and Noynoy [Aquino] naka-line up na rin."

Since meron siyang ganitong show, ibig sabihin ba ay hindi siya puwedeng mag-endorse ng kandidato for the May 2010 elections?

"Definitely not, no, no, no. Ang news and public affairs is very strict about endorsing candidates. But ang main focus talaga namin is to be objective as much as possible para ibigay natin sa mga tao na heto yung mga presidentiables natin. Ito yung mga nakalap naming information. On endorsing a presidential candidate, I've never done it and I can't do it now. Definitely not now."

Nilinaw naman ni Paolo na hindi political show ang USI. Nagkataon lang daw na election period ngayon kaya magandang unang itampok sa show ang mga presidentiables. After the election daw ay magtatampok na sila ng iba't ibang celebrities.

TWO MORE SHOWS FOR PAOLO. Bukod sa USI na mapapanood na simula sa March 14, may dalawang upcoming shows pa raw si Paolo sa TV5.

"The second show is an entertainment show which will start in April. And the third one will start when I think about it. Kasi kino-conceptualize pa namin, e. But it's under entertainment. Pero puwede pa rin akong mag-game show, puwede pa rin akong mag-talk show.  Gusto ko to have a show with Mo Twister and kasama rin si Ryan [Agoncillo], ang saya nun.

"Definitely yung sa showbiz, puwedeng celebrity talk show. Pero in terms yung sa mga tsismis, we'll leave that kina Ruffa [Gutierrez, na bagong lipat sa TV5], Cristy Fermin, and Mo Twister [magsasama ang tatlo sa isang showbiz talk show sa TV5]. And then of course, sina Alex [Gonzaga] and IC [Mendoza] of Juicy. They're good at what they do. So, excited ako para sa kanila. Sobra."

ON BEING A NETWORK HONCHO. As a TV5 executive, ano talaga yung position niya sa network?

"Well, I'll be announcing that sa coming presscon. They are not allowing me to announce it now for whatever reasons. But the idea is there naman. It deals with the creative side of production, at the same time with the training and development of talents and the new shows, not just in the news and public affairs department but also in the entertainment. So, ganun yung scope of responsibility.

"And then every now and then like for example, may pitch tayo for a movie kasi plano rin ng TV5 na gumawa ng pelikula, yung Studio 5. We're trying to put that up and that's something I can also put my hand on. Kasi may mga alam... may hilig din tayo sa mga pelikula, e.

"But right now, I can say very blessed ako. Kasi sina Sir Bob [Bobby Barrero, TV5 president], Rey [Espinosa, CEO], MVP [Manny V. Pangilinan, chairman], they are very aggressive, e. Yung priority talaga nila is yung growth ng network into a third force sa industriya natin."

Source: pep.ph

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails