Headline!

May 5, 2010

Korina Sanchez says she did not hear people booing her at the Tears For Fears concert

Share



Naka-post na sa YouTube ang 30-second video clip (na may titulong "Korina 'Boo' Sanchez. Tears for Fears in Manila concert") ng diumano'y pag-boo ng mga tao sa broadcaster na si Korina Sanchez nang i-flash nito ang Laban sign nang ipakita siya sa wide screen monitor sa concert ng Tears for Fears ng Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi, May 2.
 Sa YouTube video clip, direktang nakatingin si Korina sa kamera habang nakangiti siya at naka-flash ng L sign ang kanyang mga daliri.


Pero bago pa na-post sa YouTube ang video clip, kumalat na sa mga social networking site—partikular na sa Twitter at Facebook—noong Linggo ang mga balita tungkol sa pag-boo sa asawa ni vice-presidentiable Mar Roxas.

Kabilang sina TJ Manotoc at Tim Yap sa mga nag-tweet sa nangyari.

"Ooooh. While TFF said bye-bye-kuno b4 da "more! more!" korina sanchez was flashed 2x on big screen.. And got "booed" 2x. Uh-oh," ang Twit ni TJ.

Ito naman ang mga Twit ni Tim:

"Spotted@ the Araneta enjoying the concert were Korina Sanchez & Rep.Darlene Antonino-Custodio (they flashed the L sign--but did I hear a boo?!)"

"Didn't even see the screen because I was just focused on watching the band onstage so I wondered why everyone was booing?"

KORINA CALLS FOR A PRESSCON. Lumabas sa mga pahayagan noong Martes, May 4, ang insidente na agad namang kinontra ni Korina sa pamamagitan ng isang presscon na ipinatawag niya kahapon din sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.



Ang Pilipino Star Ngayon entertainment editor na si Salve Asis ang isa sa mga entertainment editor na inimbitahan ni Korina sa presscon. Hiningi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang permiso ni Salve para magamit ang interbyu niya kay Korina at ang mga sumusunod ang pahayag ng ABS-CBN broadcaster:

Una, hindi raw nila alam na may nakatutok na kamera dahil nagkakatuwaan sila sa pagsasayaw.

"Issue of propriety na ito. Ugali ko na ang pinag-uusapan dito. Walang nakarinig ng boo. We didn't hear it. Mar [Roxas] was there, he didn't hear it. Pinagtatawanan lang niya. Kasi hindi naman niya talaga narinig," sabi ni Korina.

Hindi rin daw magkasama na dumating sa Araneta Coliseum sina Korina at Mar dahil nanggaling pa ang Rated K host sa rally ng Liberal Party.

Ang blue campaign t-shirt ni Mar ang suot ni Korina nang panoorin nito ang concert ng Tears for Fears, pati na ang tatlumpong tao na kasama niya. Wala raw kamalay-malay si Korina na nakatutok sa kanila ang kamera dahil nagkakatuwaan sila sa pagsasayaw

"Ini-enjoy namin ang concert, nagsasayawan kami. Pinalalabas kasi nilang ginamit ko ang venue sa kampanya. Of course not, hindi ako ganun. Hindi ako doon nangangam panya. Parati na akong nasa palengke, ako na nga si Mrs. Palengke," diin pa ni Korina.

Nagpahayag din ng pagtataka si Korina sa isyu na nag-boo sa kanya ang Tears for Fears audience dahil maingay sa buong Araneta Coliseum kaya paano raw maririnig ng mga tao ang boo.

OTHER WITNESSES. Maliban kina TJ at Tim, may mga nagpapatunay pa na dalawang beses na nag-boo ang mga tao kay Korina sa loob ng Araneta Coliseum. Posible rin na hindi niya napansin ang pag-boo dahil talagang maingay sa paligid. Nagkahalo raw ang boo at ang pagsigaw ng mga tao ng "more" sa encore number ng Tears for Fears.

Nakarating naman sa PEP ang balita na pinagdedebatehan sa News Department ng ABS-CBN ang Twitter posting ni TJ dahil ipinagbabawal daw sa mga empleyado ng News & Current Affairs na i-malign nila ang mga kasamahan sa trabaho.

On-leave si Korina sa kanyang radio program sa dzMM at bilang news anchor ngBandila mula nang ikasal sila ni Senator Roxas at dahil tumutulong siya sa pangangampanya ng kanyang asawa.

Sports reporter si TJ sa ABS CBN at newscaster sa ANC, ang cables news channel ng Kapamilya network.

Source: pep.ph
what do you think about it?

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails