Headline!

Feb 20, 2010

Dingdong Dantes says no "pamamanhikan" happened on his trip to Spain with Marian Rivera

Share


Dingdong Dantes says no "pamamanhikan" happened on his trip to Spain with Marian Rivera


More than two weeks din nawala sa bansa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Halos one week silang nag-stay sa Middle East—partikular na sa Dubai, UAE at Doha, Qatar—bago sila nagpunta ng Spain. Noong Martes, February 16, lang sila bumalik ng Pilipinas.

Sa pagbabalik nina Dingdong at Marian, nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sumabak na agad sila sa trabaho. Isang araw pagkatapos nilang makabalik ay nag-shoot na sila para sa isang TV commercial at kahapon naman, February 18, ay bumalik na si Dingdong sa taping ng game show na Family Feud.

Sa dressing room ng Family Feud sa GMA Network Center nakausap ng PEP si Dingdong.

Ayon sa aktor, parehong memorable ang trips nila ni Marian sa abroad. Sa Doha at Dubai ay nag-show sila kasama sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid para sa mga kababayan natin doon.

"Yung sa Doha at Dubai, parehong naging masaya, very successful. Like yung sa Qatar, malaki talaga yung capacity ng place, pero halos napuno siya. So, parang dun ka mapapaisip na napakarami ngang Filipino sa lugar na yun. And I believe na natuwa naman sila. On our part, malaking bagay na napasama kami sa isang concert with Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ang sarap ng feeling to be with these artists, also with Rico J. Puno," sabi ni Dingdong.

VIVA ESPAÑA. Pagkatapos nila sa Dubai ay dumiretso na sila sa Spain to meet Marian's father, si Francisco Javier Gracia na isang Español. Kuwento ni Dingdong, hindi na raw sila nagpasundo sa airport at sila na lang ang nagpunta sa restaurant ng daddy ni Marian.



"Okey, e. Kumbaga, the most siguro or the best part of it is seeing them happy together. After almost six years of not being together, e, they were given the chance to be with each other again," sabi ng aktor tungkol sa pagkikita ni Marian at ng ama nito.

Expected naman daw ng daddy ni Marian ang pagdating nila.

"Of course, of course. In fact, there were a lot of arrangements made to make our stay comfortable there," banggit ni Dingdong.

Halatang pigil pa rin si Dingdong sa pagbibigay ng detalye ng mga naging experiences nila sa Spain. Parang gusto niyang ibigay ang chance na yun kay Marian. Aniya, si Marian siguro ang dapat mas magkuwento lalo pa nga't ito talaga ang may dahilan kung bakit kinailangan nilang magpunta sa naturang bansa.

Pero definitely, marami raw magagandang memories and experiences sa naging trips nila ni Marian.

"Sulit talaga!" bulalas niya. "And like what I said, it's the company that matters. Add on na siyempre na maganda ang lugar, very historical, at halos lahat ng magagandang elements are present. So, magandang experience. Something na gugustuhin mong maulit."

HAPPY MEETING WITH MARIAN'S DAD. Naging maganda rin daw ang experience ni Dingdong being with Marian's dad.

"Ako, I believe na sobrang gaan ng kanyang personality. In a way, I see where Marian really came from, may similarities sa daddy niya. Partly, nakita ko ang kanyang kabilang half. So, nakita mo how he is also a bubbly, jolly person. Kumbaga, pagdating sa interes, pagdating sa pagkain, magkakapareho sila. Kahit ang mommy niya na mahilig din magluto," sabi ni Dingdong.

Nagkaroon din ba sila ng "man-to-man talk" ng daddy ni Marian?

"Well, all the time, e, kasama talaga si Marian dahil sila naman talaga ang dapat magkasama. Kumbaga, our main objective to go there is for them to bond and spend time," sagot niya.

Natawa naman si Dingdong sa sumunod naming tanong kung ipinakilala na ba siya ni Marian sa daddy nito bilang "your future son-in-law."

"Siya na lang siguro ang tanungin n'yo kung paano niya sinabi yun," sabi niya.

What about Marian's dad, nagbilin ba ito sa kanya to take care of his daughter?

"Hindi... Kasi nakita naman niya siguro on how much I care for his daughter. Although wala naman talagang sinabi at may mga bagay naman talaga na hindi na kailangang sabihin. Action speaks louder than words," aniya.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails