main |
sidebar
posted by
ehm-ehm
at
2:53 PM
Share
Pumirma muli ang pambato ng Kapuso Network na si Richard Gutierrez ng tatlong taong exclusive contract sa GMA 7. Kabilang sa mga nakalatag na proyekto ng aktor ay movie na pagtatambalan nila ni Claudine Barretto.
Ginawa ang pirmahan ng kontrata sa gusali ng Kapuso Network nitong Biyernes ng tanghali. Kasama ni Richard ang kanyang manager at ina na si Annabelle Rama.
Nandoon din ang mga big bosses ng Kapuso na sina Atty Felipe L. Gozon, president, chairman and CEO ng GMA Network; Gilberto R. Duavit Jr., EVP& COO, GMANetwork; at Atty Annette Gozon-Abrogar, presidente ng GMA Films.
Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Richard na walang dahilan para magdalawang-isip siya sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA 7 kung saan siya nagsimula.
Masaya raw ang aktor sa ginagawang pag-aalaga sa kanya ng network at mga proyekto na ibinigay sa kanya.
“I’m looking forward for another three years with the Kapuso Network," pahayag niya saChika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
“Si Richard talaga gusto talaga niya sa GMA (7) pa rin siya. Madali lang nag-miting lang buong pamilya namin, nagbotohan kami nanalo pa rin ang GMA (7)," kuwento naman ni Annabelle.
Masayang-masaya rin si Atty. Gozon sa pananatili ni Richard bilang exclusive artist na tinawag niyang pambato ng Kapuso Network.
“Si Richard was never outside of us, kaya lang ito pinormalize natin at siya naman talaga ang pambato natin. Kaya nakita n’yo yung tawa ko, tuwang- tuwa talaga," pahayag ni Atty. Gozon.
Pahayag naman ni Mr Duavit: “Sayang-saya tayo siyempre. This is three year renewal so ngayon pa lang may pinag-aaralan ng mga programa para mas mapalawak pa lalo ang personality that Richard is known us."
READ MORE..... 1 comments
tags: gma, richard gutierrez