Matapos ang ilang araw nang pananahimik ay nagsalita na rin ang young actress na si Rhian Ramos tungkol sa mga akusasyon ni Mo Twister laban sa kanya.
Ito ang patungkol sa akusasyon ng radio at TV host na ipinalaglag ni Rhian ang kanilang anak sa Singapore noong Hulyo ng nakaraang taon..
Ang statement ay inere ngayong gabi, December 5, sa 24 Oras ng GMA-7, sa report ni Sandra Aguinaldo.
Nakapanayam ng GMA-7 si Rhian sa pulong nito sa kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan. Pinirmahan nito ang reklamong isasampa niya bukas laban kay DJ Mo.
Emosyonal si Rhian at halatang naluluha habang sinasabi ang maikli niyang pahayag.
Ayon kay Rhian, "I think more than what the people has seen, I have been hurt over a longer period of time, unnecessarily, and I think, undeserved.
"I just hope to be able to put an end to that today so that hopefully I can move on."

READ MORE..... 0 comments
tags: mo Twister, Rhian Ramos