Headline!

Jan 13, 2012

Dingdong Dantes plays Ferdinand Magellan in finale episode of Amaya

Share

pep.ph

Via pep.ph
By: Rose Garcia

Isang sorpresa, lalo na sa mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang cameo role ng aktor sa final episode ng pinagbibidahang epic-serye ng aktres, ang Amaya.

Gaganap si Dingdong bilang Portuguese explorer Ferdinand Magellan, na ayon sa kasaysayan ay napatay ni Lapu-Lapu sa Battle of Mactan noong 1521.

Mapapanood ang paglabas ni Dingdong sa huling episode ng Amaya bukas ng gabi, January 13.

Pero bago ito, naging malaking sorpresa rin ang muling pagtatambal nina Dingdong at Marian sa upcoming GMA-7 primetime series na My Beloved.

Ito ay matapos palitan ni Marian ang orihinal na leading lady ni Dingdong sa serye na si Rhian Ramos—na nagdesisyong magpahinga muna sa showbiz sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito bunsod ng breakup nila ni Mo Twister.

Kung hindi ito nangyari, wala pa sanang kasiguruhan kung kailan magkakaroon ng katuparan ang hiling ng fans nina Dingdong at Marian na muli silang magtambal.

Pero sa pagtatapos ng Amaya, tila may patikim na ang DongYan—kilalang tawag sa loveteam nina Dingdong at Marian—sa kanilang mga tagahanga at manonood.

Noon pa man, kapag tinatanong si Dingdong kung okey sa kanyang mag-guest sa Amaya, positibong tuwina ang sagot niya.

At ngayon nga, sa pagtatapos ng Amaya, ay natuloy ang inaasam noon ng marami na magkaroon siya ng guest role dito.

Sa pamamagitan ng text message ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kahapon, January 11.

Tinanong namin ang aktor kung paano nabuo ang guest role niya sa Amaya.

Ayon kay Dingdong, na may dugong EspaƱol, hindi talaga planado ang pagge-guest niya bilang Ferdinand Magellan sa show.

Nabanggit lang daw ni Marian sa kanya ang magiging pagtatapos ng Amaya.

Ani Dingdong, "Marian mentioned to me the final scenes. As a gesture to show support, I offered to do the cameo for Ferdinand Magellan."

Bukod sa pagpapakita ng suporta sa girlfriend, ipinagmamalaki rin ni Dingdong na kahit paano ay naging bahagi siya ng Amaya.

"More importantly, it is a great honor to be part of GMA's top show that makes us all proud as Filipinos.

"Kahit papaano, naging bahagi ako ng kasaysayan dahil sa malawak na naibibigay ng Amaya sa larangan ng entertainment at education.

"Higit sa lahat, I am so proud of Marian's portrayal as Amaya.

"Nakakatuwa at nakaka-inspire ang pinagdaanan niya at ng buong cast, kaya ako'y isang fan ng epic-serye.

"Lalo na nga at nag-shoot ako ng eksena ko, mas na-realize ko kung gaano ako kasuwerte na maging bahagi nila kahit papaano," pahayag pa ni Dingdong sa text message niya sa PEP.

Dahil sa pagganap niya bilang Ferdinand Magellan, nagbato ng hypothetical question ang PEP kay Dingdong: Kung sakali at muling maisipan ng Kapuso network na gumawa ng epic-serye, gusto kaya niyang siya naman ang maging bida rito?

"Kahit anong role basta't na-excite ako, okay sa akin," sagot ng aktor.



Read more @pep.ph
The Article above belong/s to their respective writer/s and pep.ph
For public information only.
Thank you.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails