Headline!

Dec 29, 2011

Asiong Salonga sweeps MMFF Awards Night; Maricel Soriano and Dingdong Dantes win top acting honors

Share

photo courtesy of filipinasinshowbiz.com


Article from/owned by: pep.ph
by: Monching Jaramillo; Demai Sunio-Granali / Text by Erwin Santiago

Humakot ng awards ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Gabi ng Parangal ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Resorts World Manila Performing Arts Theater sa Pasay City kagabi, December 28.

Labing-isang tropeyo ang napanalunan ng Asiong Salonga.

Kabilang dito ang Best Picture, Best Screenplay para kina Roy Iglesias at Ray Venura, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Supporting Actor para kay John Regala, at Best Director.

Naging interesante ang pagwawagi ng Best Director ng Asiong Salonga dahil ipinatanggal ni Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan bilang direktor ng naturang pelikula.

Lumikha ng kontrobersiya ang biopic na ito dahil sa alitan sa pagitan ni Direk Tikoy at ng bida ng pelikulang si Governor Jeorge "ER" Ejercito at ng mga producer ng pelikula.

Ito ay nag-ugat sa pagre-reedit at pagre-reshoot ng mga eksena nang walang pahinutulot ni Direk Tikoy. Rason ni Governor ER, mabagal ang pacing ng unang bersiyon ng pelikula.

Dahil dito ay hiniling ni Direk Tikoy na ipatanggal ang kanyang pangalan sa credits ng pelikula, kasama na ang promotional materials nito.

Ayon kay Direk Tikoy, hindi na masasabing pelikula niya ang Asiong Salonga dahil sa mga pagbabagong ginawa rito nang hindi niya nalalaman at hindi niya pinahintulutan.



Noong una ay hindi pumayag si Governor ER kaya humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) si Direk Tikoy mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Pinagbigyan ng nasabing ahensiya ang kahilingan ng direktor kaya tinanggal ang kanyang pangalan sa pelikula.

Hindi dumalo ng awards night si Direk Tikoy.

Sa awards night ay "Gary dela Cruz" ang tinawag na pangalan bilang direktor ng Asiong Salonga.

Pero lahat ng mga nagwagi mula sa pelikulang ito ay panay ang pagbanggit at pasasalamat kay Direk Tikoy.

Si Maricel Soriano ang nagwaging Best Actress para sa Yesterday Today Tomorrow.

Hindi dumalo sa awards night ang Diamond Star pati na ang iba pang cast members ng pelikula.

Nakisimpatiya si Maricel sa producer nilang si Lily Monteverde ng Regal Entertainment dahil sa desisyon ng festival committee na i-disqualify ang Yesterday Today Tomorrow sa apat na major categories: Best Picture, Best Director, Best Screenplay, at Gatpuno Villegas Cultural Award.

Ito ay dahil sa paglabag diumano ng pelikula sa rules ng MMFF kaugnay ng pagpapalit ng isinumiteng script nito.

Ang mga nakatunggali ni Maricel sa kategoryang ito ay sina Ai-Ai delas Alas para sa Enteng Ng Ina Mo, at sina Eugene Domingo at Maricar Reyes para sa kani-kanilang episodes ng Shake Rattle & Roll 13.

Hindi rin dumalo sa awards night ang Best Actor winner na si Dingdong Dantes.

Nanalo si Dingdong para sa pagganap niya sa suspense-thriller movie na Segunda Mano.

Tinalo ng Kapuso actor ang bida ng Asiong Salonga na si Laguna Governor Jeorge "ER" Ejercito, pati na sina Vic Sotto para sa Enteng Ng Ina Mo, Bong Revilla para sa Panday 2, at Jericho Rosales para sa Yesterday Today Tomorrow.

Inisnab ng mga hurado ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na kapwa hindi nominado para sa pagganap nila sa My Househusband.

Napanalunan naman ni Eugene Domingo ang ikatlo niyang Best Supporting Actress trophy mula sa MMFF.

Una siyang nanalo noong 2007 para sa Bahay Kubo at nasundan ito noong nakaraang taon (2010) para naman sa Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!).

Tinalo ni Eugene ngayong taon ang tatlong aktres mula sa Yesterday Today Tomorrow—sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Carla Abellana.

Ang mga nakalaban naman ni John Regala sa Best Supporting Actor category ay ang co-star niya sa Asiong Salonga na si Baron Geisler, at sina Phillip Salvador (Ang Panday 2) at Jose Manalo (Enteng Ng Ina Mo).

Bukod sa pitong pelikulang kalahok sa Main Competition ng MMFF, namigay rin ng awards para sa New Wave o independent films na kasali rin sa taunang film festival.

Narito ang listahan ng mga nanalo sa 37th Metro Manila Film Festival Awards Night:

Best Picture - Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
2nd Best Picture - Enteng Ng Ina Mo
3rd Best Picture - Shake Rattle & Roll 13
Best Actress - Maricel Soriano (Yesterday Today Tomorrow)
Best Actor - Dingdong Dantes (Segunda Mano)
Best Director - Tikoy Aguiluz (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Gatpuno Villegas Cultural Award - Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story
Best Screenplay - Roy Iglesias and Ray Ventura (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Story - Chris Martinez and Marlon Rivera ("Rain Rain Go Away," Shake Rattle and Roll 13)
Best Supporting Actress - Eugene Domingo (My Househusband)
Best Supporting Actor - John Regala (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Child Performer - Bugoy CariƱo (Shake Rattle and Roll 13)
Gender Sensitivity Award - My Househusband
Best Cinematography - Carlo Mendoza (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Original Theme Song - "La Paloma" by Ely Buendia (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Musical Score - Jerry Lazaten (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Sound Recording - Mike Idioma (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Editing - Jason Canapay and Ryan Orduna (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Production Design - Fritz Siloria, Mona Soriano, and Ronaldo Cadapan (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Best Visual Effects - Ang Panday 2 (Riot Inc.)
Best Make-Up - Florencia Penero, Niccolo Medina, Jayvee Flores (Enteng Ng Ina Mo)
Best Float - Ang Panday 2

New Wave Section
Best Full-Length Film - Pintakasi
Best Actress - Iza Calzado (HIV)
Best Actor - JM de Guzman (Pintakasi)
Gender Sensitivity Award (Full-Length Category) - HIV by Neil Tan
Gender Sensitivity Award (Student Category) - Speechless (Miriam College)
Best Student Film - Payaso
Special Jury Prize - Biyahe Ni Barbie by Kookai Labayen (Dela Salle College of St. Benilde)

Special Awards
Lifetime Achievement Award - Eddie Garcia
Posthumous Award - Lito Calzado
SMDC Most Glamorous Stars - Iza Calzado and Ryan Agoncillo
Male Face of the Night - Richard Gomez
Female Face of the Night - Iza Calzado
Male Celebrity Sexiest Appeal of the Night - Jeorge Estregan, Jr.
Female Celebrity Sexiest Appeal of the Night - Judy Ann Santos
Male Kutis Ganda Award - Ryan Agoncillo
Female Kutis Ganda Award - Ai-Ai delas Alas

Read more @ pep.ph
Article shown above belongs to their respective writers and pep.ph
For public information onlt





0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails