"Well, excited ako sa movie," simula ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Like ako, two years akong na-involve sa pelikulang ito. Mula noong maging entry pa lang ito sa Cinemalaya, original part ako ng cast. Then the writer, the staff, kami, we decided to pull it out. Hindi namin matapos for a lot of reasons. Budget siyempre... yung mga location. E, malapit na ang deadline. Parang sayang kapag nagawa mo na ang material, you can't do it again, di ba?"
"Hindi naman ako mahirap i-convince," paglilinaw ni Marvin. "Nagkataon lang na wala lang magawang material. At the same time, marami rin kasing TV works. Yung scriptwriter kasi ng movie, si James Ladioray, neighbor ko siya sa subdivision namin. Dinala niya yung script sa bahay. Pero one week after na, hindi ko pa rin nagagalaw, hindi ko pa nababasa. May common friend kami na nagsabi sa akin na basahin ko naman daw. So, after kong mabasa yung ilang page, hindi ko na mabitawan ang script!
"Hindi naging mahirap sa akin na tanggapin kasi napakaganda ng material. Yes, it's just a love story, served in an unusual platter. Served in an unusual type of storytelling. Ang ganda ng pagkakagamit ng backdrop ng 1986 revolution. So, maganda ang material the way it was written, alam mo na magiging magandang pelikula."
Pagkatapos nito ay inilarawan na ni Marvin ang role niya sa The Red Shoes?
"Well, ako si Lucas. Noong 10 year old ako, nagnakaw ako ng isang pares ng sapatos ni Imelda Marcos [sa MalacaƱang]. Para sa pagmamahal. Para sa aking magulang at para sa First Lady ng buhay ko. Tapos, nag-evolve ang istorya at ang journey ni Lucas, at kung paano nag-meet ulit yung magkapares na sapatos na yun. Kasi pinaghiwalay ko sila, isa kay Nikki [Gil], si Bettina, at isa sa nanay ko," lahad ng aktor.
Pang-award ba ang The Red Shoes?
"I don't know... I gave my best, 100 percent sa lahat ng ginagawa ko. Wala naman akong sinu-shortchange. So, sila na lang ang humusga. I never really think about something like that naman kapag may ginagawa kang character," sagot niya.
TEAM-UP WITH NIKKI GIL. Dito sa The Red Shoes ay nakatambal ni Marvin sa unang pagkakataon si Nikki Gil. Kumusta naman ang naging working relationship nila?
"Masarap katrabaho si Nikki," sabi ni Marvin. "Tulad ng sinabi ko kanina, masuwerte ako. Kapag indie, it needs a lot of preparation. Kaya nga lang, since nakatrabaho ko na rin siya before, naging madali. Nag-host kami before sa MRS."
Hindi ba naging mahirap na isang Kapuso (Marvin) at isang Kapamilya (Nikki) ang magkatambal sa isang pelikula?
"Hindi, hindi... Yun namang branding na yun, branding kung saan tayo nagkakatrabaho. Hindi yun branding ng pagkatao natin. So, hindi, hindi naging mahirap," saad ni Marvin.
Source: pep.ph
http://www.pep.ph/news/24890/Marvin-Agustin-says-he-was-easily-convinced-to-do-the-indie-film--The-Red-Shoes-
tags: Mavin Agustin, Movie